sino nagsabing boring ang pacquiao-clottey fight?

pwes, sasabihin ko sa inyo? hindi boring ang pacquiao-clottey fight nuong marso 14!

at least sa aming mga nag-attend dun sa sinuportahan naming fund raising campaign nang aming fellow SMA 82 batchmate na si mario.

kitang kita naman sa piktyuran pa lang e. sampol.

ang aga nila!

kahit na medyo late na nakauwi dun sa meeting nung gabi e ang aga pa rin nila. nakapag-pancake pa talaga!

ang mga nanguna


nauna daw si raulan. inantay sina vanny at cecil c. dumating din ang napakatangkad na si ramil. alaska boy yata to e, hahaha

vanny and ramil


aya, ang ebidensya. ang tangkad nya di ba?

ang grupo


ang dami naming nagpunta! ang saya talaga. kilala nyo ba lahat? hirap nga maghanap ng silya, kahit na may reserved seats kami. sponsor kuno, hahaha. salamat mario ha.

sa simula pa lang, tanong na tanong na kami, eheste, ako lang pala. pers taym ko ba namang makapanood ng ganyang live na laban e. katabi ko si ramil at kabila nya si vanny. mabuti na lang e encyclopedia pala si ramil basta tungkol sa sports, lahat ng tanong ko nasasagot nya. spin a win!

mabuti na lang at matiyaga sya. o baka nahiya lang na iwan ako, hahaha.

vanny and rowie


sempre naman, papahuli ba naman ang photo session?

kunyari kasama sa nag organize


kasama din kami kunyari sa mga organizers. sila ang mga ka batchmates ni mario.

bago pumasok sa arena, souvenir photo muna


ayaw pa talaga pumasok sa loob, kasi daw sayang naman ang photo ops, hehehe. pero masarap din kasi ang chikahan sa labas, para hindi kami masigawan sa loob dahil concentrated na lahat sa laban. mantalang kami e nagchichika pa para sa ating diskuhan.

ala pacquiao


o ayan, medyo nagpapa-warm up na para sa pagpasok sa arena ng greenbelt.

posing na posing!


walang katapusang posing. palitan pa ng pwesto.

ang buong grupo!


nung laban na, ang ingay na. ako daw pinakamaingay. aba naman, pers taym ngang maupo ako sa buong laban ng boksing ano! pati nga yung mga friends ni mario sa labas e nakipag-sabayan na rin ako ng hiyawan, hahaha. super enjoy! esp nung kumanta si arnel ng bayang magiliw. at sinabi nga naming, hmm… mapapansin na naman yan. di ba nga?

at ayan ang itsura namin nung matapos ang laban. hindi halatang boring ang laban, di ba? sa sunod, sama din kayo ;D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.