Yugyugan Updates
Medyo nakatulog ako ng konti, hanggang ngayon kasi di pa rin ako makarecover dun sa yugyugang nangyari nung Marso 27 e. Tapos sunod-sunod pa ang mini reunions, ang huling-huli ngang dumating e si Fenina Flores na ngayon ay sa US naman umiikot.
Kaya ngayon lang ulit ako medyo nagising at nagkaron ng pagkakataong mag report ulit.
Ano na nangyari nung pagkatapos ng yugyugan? Edi bumalik ang ating mga imported guest sa London (si Bella Batucan) at sa US (si Chibot o Susan de los Reyes) at sempre ang mga taga Cebu na sina Mark Batucan at James Polillo.
At nagkamal ng salapi ang ating SMA Grade School 82 and High School 86. Pumila kami agad sa bangko para mas lalo syang lumago. Ang mga pupirma sa ating yaman:
Raquel E.
Cecilia Malantic-Lee
Manolito Lamiel
Ronald Saquilayan
Napansin ninyo? two boys, two girls; two grade school batches boys, two girls all the way (grade school atsaka high school, ano ba) ;D
Ang pinasok namin ay 64,510.16 pesoses (March 29, 2010)
May natanggap akong bank statement period April 01-April 07 (64,337.30 kasi minus 175.00 debit memos which we assume would be the checks, at .54 centavos withholding tax)
May mga pumasok na hindi namin pa ma-account kung kanino at may mga iba pang pera na papunta pa lang daw. Sempre, i klaro din nating lahat yan.
Maraming salamat ulit sa lahat-lahat!! Hindi ko na sabihin kung sino-sino kasi antok na ako ;D
Tuloy ang project natin kay Audrey, ang Angel Reading at Crystal Workshop. Na postpone lang kasi medyo nawalan ng adrenaline. Nagpapalakas lang ulit. Ang tentative schedule ay sa November 2010. Patuloy kaming humihingi ng tulong kung sino ang makakatulong sa paghanap ng sponsorship ng hotels, snacks at flight tickets.
Meron pang isang project na pinag-iisipan din ng malalim. Ang jamming party, ang kailangan natin dito ay ang inyong mga talento. Itaas ang kamay ng mga magaling kumanta… at sumayaw! Umiikot pa lang kami sa istorya nito pero dahil mukhang masaya, why not, chocnut? Any other suggestion, please magiwan ng comment o magtext o mag FB.
Sa ngayon, sana ay nakapag-lakwatsa kayo sa Facebook para makita ninyo ang mga pictures nung yugyugan night, nung mga mini reunions, nung mga kita-kits, nung mga kulitan, nung mga kawayan… ah basta, maraming ebidensya, hanapin nyo na lang sa Facebook ;D Pramis, mag eenjoy kayo!


Abril 27, 2010 Sa 2:02 umaga
hanep! grabe… di ko alam na kamaganak ka ni rizal sa sobrang galing mo sa wikang tagalog.. di ako makahing sa sobrang lalim… but serously its very nice! your talent is so awesome…!!! u are awesome…